BOOK
REVIEW SA FILIPINO
1. Awtor
Si Francisco Sionil Jose o kilala bilang “F.
Sionil Jose” ay ipinanganak noong ika-3 ng Disyembre taong 1924. Si Francisco ay isang Ilokanong ipinanganak sa
Rosales, Pangasinan, na tagpuan sa karamihan ng kaniyang mga kuwento. Lumaki
siya sa Baryo Cabugawan ng Rosales, ang bayan kung saan siya nagsimulang
magsulat. Upang makatakas sa kahirapan, naglakbay ang kaniyang mga ninuno mula
sa Ilokos patungo sa Lambak ng Cagayan sa pamamagitan ng daan ng Santa Fe.
Katulad ng ibang mga pamilyang peregrino, dinala nila ang kanilang mga
mahahalagang kagamitan, kasama ang mga haliging mulawin ng kanilang mga lumang
bahay at ang kanilang alsong, isang dikdikan ng mga bigas. Isa sa
pinakamahalagang impluho kay José ang kaniyang ina, na ginawa ang lahat upang
mabigyan si José ng mga paborito niyang aklat, habang sinisiguradong hindi
magugutom ang kaniyang pamilya bagaman nagdaranas ng kahirapan at kawalan ng
aring-lupa. Nagsimulang magsulat si José noong nag-aaral siya sa elementarya,
kung kailan nagsimula siyang magbasa. Sa ikalimang grado, binuksan ng isa sa
mga guro ni José ang silid-aklatan para sa mga mag-aaral, na naging dahil kung
bakit nabasa ni José ang mga nobela ni Jose Rizal, ang My Antonia (Aking
Antonia) ni Willa Cather, mga gawa nina Faulkner at Steinbeck. Napaluha si José
nang mabasa niya ang kuwento tungkol kina Basilio at Crispin sa Noli Me Tangere
ni Jose Rizal, sapagkat hindi nakikilala ni José ang kawalan ng katarungan.
Noong limang taong gulang na si José, umiiyak na ipinakita sa kaniya ng isang
lolong naging sundalo noong kapanuhan ng pagaalsang Pilipino ang lupang dating
sinasaka ng kanilang pamilya subalit kinamkam ng mga mayayamang mestisong
may-lupa, na nakaaalam kung paano gamitin ang sistema laban sa mga hindi
nakapag-aral at mangmang, katulad ng lolo ni José.
Buhay bilang manunulat
Buhay bilang manunulat
Nang matapos ang
Ikalawang Digmaang Pandaigdig, nag-aral si José sa Pamantasan ng Santo Tomas,
ngunit hindi nagpatuloy at piniling magsulat at maging mamahayag sa peryodiko
sa Maynila. Sa sumunod na mga taon, naging patnugot siya ng sari-saring mga palimbagang
pampanitikan at pampahayagan, nagsimula siyang magtayo ng isang
bahay-palimbagan, at itinatag niya ang sangang pang-Pilipinas ng PEN, isang
organisasyong pandaigdigan ng mga manunulat. Tumanggap si José ng maraming mga
premyo para sa kaniyang mga gawa. Ang The Pretenders (Ang mga Mapagbalatkayo)
ang kaniyang pinakatanyag na nobela, na tungkol sa pagkaasiwa ng isang lalaki
dahil sa kaniyang pinanggalingang kahirapan at sa karangyaan sa buhay ng
mayamang pamilya ng kaniyang asawa.
Sa kabuuan ng kaniyang
karera, tinataguyod sa mga sulatin ni José ang katarungang panlipunan at mga
pagbabago upang mapabuti ang mga buhay ng mga pangkaraniwang mamamayang
Pilipino. Isa siya sa mga kinikilalang Pilipinong manunulat sa labas ng
Pilipinas, bagaman hindi gaanong nabigyan ng pansin sa kaniyang bansa dahil sa
kaniyang natatanging paggamit ng Pilipinong Ingles at sa mga pananaw niyang
laban sa mga elitist. Nagkaroon ng sariling pag-aari si Sionil José ang
Solidaridad Bookshop, isang tindahan ng mga aklat, na matatagpuan sa kalye ng
Padre Faura sa Ermita, Maynila. Nagbebenta ang tindahan ng mga aklat ng mga
librong mahirap hanapin at ng mga babasahing Pilipinyana (Filipiniana).
Sinasabing kinahihiligan itong puntahan ng mga lokal na manunulat.
Ang kanyang mga akda :
Nobela
The Pretenders, 1962
My Brother, My Executioner, 1979
Mass, 1982
Po-on, 1984
Ermita, 1988
Viajero, 1993.
Koleksyon
ng mga Maiikling Kwento
The God Stealer and Other Stories, 1968
Selected Works, 1977
Waywaya: Eleven Filipino Short Stories, 1980
Platinum: Ten Filipino Stories
Olvidon and Other Stories, 1988
Koleksyon
ng mga Tula
Questions, 1988
2. Kaligiran/Milyu
Ang Poon ay isang novela kung saan hango sa mga naganap noong taong 1880-1889, mahigit 400 taon nang nakalipas.
3. Wika : Ang wikang ginamit ay Ingles ngunit isinalin sa Tagalog.
4. Banghay: a. Pamagat: Po-on
b. Tauhan: Istak: ay isang pilipinong ilokano na nagpaka bihasa sa
paggamit ng salitang Latin at Espanyol na namana nya sa isang matandang pari na
taga Cabugao.
Capitan Berong: Isang opisyales nooong panahon ng espanyol.
Padre Jose: Siya ang nagturo kay istak upang makapnggamot at iba pang kakayahan. Carmencita: ang mapangmatang anak ni Capitan berong
Guardia Sibil: ang mga tauhan ng mga prayle at mataas na opisyales.
Padre Zarraga: isang aroganteng pari
Don Jacinto: Mayamang edukadong pilipino
c. Lugar ng Ginanapan: Katimugang bahagi ng Pangasinan
d. Katawan ng Kwento:
Capitan Berong: Isang opisyales nooong panahon ng espanyol.
Padre Jose: Siya ang nagturo kay istak upang makapnggamot at iba pang kakayahan. Carmencita: ang mapangmatang anak ni Capitan berong
Guardia Sibil: ang mga tauhan ng mga prayle at mataas na opisyales.
Padre Zarraga: isang aroganteng pari
Don Jacinto: Mayamang edukadong pilipino
c. Lugar ng Ginanapan: Katimugang bahagi ng Pangasinan
d. Katawan ng Kwento:
Mayroong isang pamilayang ilokano na inabandona ang kanilang
pinakamamahal na barrio upang makaligtas sa mga pagsubok sa kanilang lugar sa
katimugang bahagi ng Pangasinan sa bansang Pilipinas. Nais din nilang takasan
ang kalupitan ng mga espanyol.
Si Istak ay isang pilipinong ilokano na nagpaka bihasa sa paggamit ng salitang Latin at Espanyol na namana nya sa isang matandang pari na taga Cabugao. Si istak ay isang sakristan “acolyte” na nag nais maging isang pari. Siya ay mayroon din kaalaman tungkol sa larangan ng tradisyunal na panggagamot. Ang tanging naging hadlang sa kanyang pagiging isang pari ay ang pangmamaliit sa kanyang pinagmulan. Siya ay namuhay noong mga panahong itinataas ng mga Pilipino ang karapatan laban sa gobyerno ng espanyol at noong mga panahon din matapos ang pagpatay sa tatlong paring martir sa Bagumbayan noong Pebrero taong 1872.
noong
mga panahon na iyon mayroong mga naging senyales na magkakaroon ng isang
rebolusyon sa kabila ng kakulangan ng pagkakaisa sa mga naninirahan sa mga
lalawigan ng Pilipinas. Mayroon ding pangyayari na nakaagaw ng atensyon ng mga
Pilipino at yun ang pagtulong ng mga Amerikano sa mga Pilipino upang tuluyang
tapusin ang pananakop ng mga espanyol sa Pilipinas. Si istak ay naging
mensahero rin ni Presidente Emilio Aguinaldo ngunit siya ay namatay sa kamay ng
mga sundalong amerikano habang tinatahak ang lugar ng kanyang pagdadalhan ng
mensahe.
e. Realidad ng akda: ang po-on ay binase sa mga pangyayari noong panahon ng mga espanyol, kung saan ang pagiging pilipino ay isa diskriminasyon. Ngunit sa kabila ng lahat ang pagiging isang makadiyos ay hindi natanggal sa ating mga pilipino. Tulad ni istak kahit sya'y isang pilipino hindi naging hadlang ito upang pangarapin nya ang pagiging isang pari upang magsilbi sa panginoon.
f. Pisikal na aklat: Ang librong Po-on ay mayroong simpleng pabalat kung saan s unahang bahagi nito ay mayronng nakaguhit ngunit makikita agad dito kung ano nga bang klaseng kwento ang poon. Hindi gaanong makapal ang libro at kayang tapusin ito sa loob ng isang linggo.
g. Personal na komento: Napaka makasaysayan ng kwentong ito dahil sa ito'y hango sa totoong dinanas ng mga pilipino sa kamay ng mga espanyol, medyo mayroong mga parte sa kwento medyo hindi gaanong malinaw ngunit sa kabuuan ng kwento madadama mo ang nais ipahiwatig ng manunulat ng kwento.