Sunday, July 7, 2013

Mga Tanong at Sagot tungkol sa mahahalagang Aspeto na Posibleng nakakapigil sa pagkakaroon ng balanse at tamang nutrisyon at dyeta sa tao at iba pang mga posibleng naapektuhan nito


Ang nutrisyon ay isang proseso ng pag bibigay ng sapat na sustansya sa ating pangangatawan. Samantalang ang dyeta ay ang pagbabalanse ng nutrisyon sa ating katawan.

 Hindi madaling balansehin ang pangangatawan kung hindi magiging pantay ang batayan sa nutrisyon at dyeta, sa madaling sabi nakadepende ang magandang nutrisyon sa tamang dyeta gayun din ang tamang dyeta sa tamang nutrisyon.

Ang sentro ng blog na ito ay ang magbigay impormasyon tungkol sa kahalagahan ng magandang pangangatawan na dapat ipahayag sa mga tao hindi lang sa pilipinas kundi pati na rin sa ibang panig ng mundo. Ang pagkakaroon ng kaalaman tungkol sa mga posibleng makaapekto at maapektuhan ng mga balakid sa pagkakaroon ng balanseng nutrisyon at dyeta ay isang malaking ugat na posibleng pagsimulan ng bagong simula na malaya sa pangamba at panganib at sa mga tanong na gumugulo sa ating isipan.

Sa panahon natin ngayon napakadami ng mga balakid na nagbabadyang pumigil sa atin sa pagkakaroon ng mgandang pangangatawan,  posibleng humantong ito sa pagkakaroon ng mga sakit na makakaapekto sa ating kalusugan.

Bilang  blogger at Nutrition and Dietetics Students ating tatalakayin ang mga posibleng Tanong, sagot at solusyon na makatutulong at makapag bibigay ng impormasyon sa mga tao hindi lang sa mga may problema sa pangangatawan kundi pati na rin sa mga taong health conscious.

1. ) Anu-ano nga ba ang mga aspeto na nakakapigil sa pagkakaroon ng balanse at tamang nutrisyon at dyeta sa katawann ng tao??

a.  Istilo ng Pamumuhay( Lifestyle) : Ang pang-arawaraw na pamumuhay ng tao ay naka depende sa kung papaanong istilo at pamamaraan nya mas mapapanatili ang maganda at komportableng buhay. Isa ito sa nakakaapekto sa pagkakaroon ng balanseng nutrisyon at dyeta, dahil naka dpenede sa ating istilo kung papaano natin pahahalagahan ang ating sarili at kung anong klaseng pamumuhay tyo mayroon.

 b. Gawi sa Pamumuhay (Habbits) : Ang gawi ay iba sa Istilo ng pamumuhay, ang gawi ay ang nakasanayang maging gawain sa iyong pamumuhay at pati na rin sa iyong pansariling dyeta at nutrisyon, tulad ng madalas na pagkain ng instant at softdrinks at pagakatamad sa mga aktibidad na makakatulong sa atin upang magkaroon ng malakas na pngangatawan katulad ng pageehersisyo na talaga namang nakaka apekto sa ating balanseng kalusugan.

c. Pagakain : Ang pagkain ay isa sa pinaka mahalagang aspeto ngunit ito din ang isa sa pinaka dahilan ng pagkakaroon ng di balanseng dyeta at nutrisyon. Dahil sa napakadaming klase at masasarap na pagkain. Hindi na natin magawang balansehin ng maayos ang ating pagkain. Madalas nakalilimutan na nating bigyang puna ang mga posibleng maging epekto ng sobra at di masustanyang pagakain. 


d. Trabaho : Napaka halaga ng trabaho sa ating lahat ngunit posible rin itong maging dahilan ng di balanseng nutrisyon at dyeta. Dahil sa ibat-iba ang ating propesyon ibat- iba rin ang nagiging dahilan at nagiging paraan natin ng pagbabalanse ng ating nutrisyon at dyeta.Ngunit hindi lahat ay nasa wastong pamamaraan, Dahil na din sa mga kadahilanang Stress,Pagod at pagkalipas ng gutom hindi na nating magawang isipin at intindihin kung papaano natin magagawang balansehin pa ang sarili.

2.) Sino-sino nga ba ang mga posibleng mas maapektuhan?? 
Kabataan:
Sa panahon ngayon hindi natin mapagkakaila na napakadaming kabataan ang naapektuhan ng malnutrisyon at ang kadalasan na dahilan ay kakulangan sa nutrisyon dahil sa kahirapan.  Ang kabataan ang dapat syang may sapat at balanse na nutrisyon upang makapag isip ng tama lalo na sa pagaaral upang mas mkapag pokus ang kanyang isip at maintindihan ang mga leksyon na magiging dahilan ng kanyang pag unlad bilang isang tao.

Pamayanan: Kailangan ang bawat isang mamayan sa isang pamayanan ay may sapat at balanseng nutrisyon at dyeta. Hindi magiging isang maunlad na pamayanan ang isang komyunidad kung hindi magiging maganda ang kanilang kalusugan. Napakaraming maapektuhan nito lalo na kung lalaganap ang mga sakit. Hindi man communicable disease ang isang sakit pwede pa rin itong maging isang epidemya kung hindi tayo magiging maingat sa pagbabalanse ng ating katawan.

Manggagawa: Posibleng maka apekto sa isang manggagawa ang di pagakakaroon ng maganda at balanseng pangangatawan. May posibilidad ito na maging sagabal at balakid sa kanilang pangaraw araw na trabaho at makaapekto sa kanilang kakayahan at kasanayan na makakaapekto sa kanilang pusisyon.Dahil na rin sa mga kadahilanang napaka daming trabahong dapat tapusin hindi na nila magawang isipin ang pagkain sa wastong oras kaya't nagkakaroon sila ng problema sa pagbibigay ng sapat na kakayahan at kasanayan sa pagtatrabaho.

3.) Saan mas maraming apektado ng di balanseng nutrisyon at dyeta??

 - Mas maraming apektado ng di balanseng nutrisyon at dyeta sa mga lugar kung saan ang pangunahing mga problema ay Pera, Produksyon at Kakulangan sa kaalaman tungkol sa kahalagahan ng nutrisyon, tulad ng mga komyunidad na malalayo sa kasarinlan at mga lugar na lumalaganap ang kahirapan. Dahil na rin sila ang mas nakararanas ng di balanseng nutrisyon at dyeta na posibleng ikamatay ng bawat isa.

4.) Kailan mas nahihirapang magbalanse ng nutrisyon at dyeta ang isang tao??

- Mas nahihirapan ang isang taong mag balanse ng kanyang dyeta at nutrisyon kapag sya ay nasanay na sa hindi magandang pamamaraan ng pagbabalanse at kapag ang isang tao ay nasanay na s kung anong kinamulatan. Hindi na ito mababago pa kung hindi sya mismo ang gagawa ng paraan upang mabago ito. Katulad ng pagdyedyeta , hindi magiging maganda ang resulata nito sa atin kung hindi natin alam kung papano ba ang tamang pamamaraan ng pag dyedyeta.


Upang mas matugunan ng pansin ang bawat tanong kailangan ng bawat solusyon sa bawat tanong na makakatulong upang mapalawak pa ang ating kaisipan tungkol sa isang simpleng problemang pangkalusugan ngunit isang malaking tulong sa ating kaalaman.

Isa sa pinaka magandang solusyon sa mga problemang nabanggit ay ang pagiging responsable hindi lang sa ating sarili kundi pati na rin sa istilo at gawi natin sa ating pamumuhay. Sa atin magmumula ang mga desisyon na dapat nating ispin at pabulaanan upang magkaroon ito ng magandang bunga. Wag nating hayaan na maging balakid satin ang pagiging abala sa ating trabaho at pagiging stress sa ating mga problema na posibleng maging sanhi ng pagkasira ng balanseng  nating pamumuhay at pangangatawan. Kumain tayo ng masusustansyang pagakain tulad ng Prutas at gulay na mayaman sa bitamina na makatutulong upang protektahan tayo sa mga sakit at palakasin ang ating Immune System at ugaliing uminom ng 8-13 baso ng tubig upang mailabas ang mga toxins sa katawan at upang malinis din ang ating dugo.Wag din nating daanin sa bisyo tulad nga paninigarilyo dahil sa hindi natin tinutulungan ang ating katawan kundi pinapatay pa natin ito.

Para sa Kabataan, pamayanan at manggagawa na mahalaga sa lipunan, kailangang mapanatili ang kanilang balanseng nutrisyon at dyeta sa pamamagitan ng pagbibigay impormasyon tungkol sa mga  pwedeng maging alternatibong paraan upang maiwasan ang malnutrisyon at di balanseng dyeta. Mas makakabuti din ang pagoorganisa ng isang organisasyon na tutulong sa kabataan at pamayanan  upang palawagin ang kanilang isipan sa mga epekto ng pagkaing hindi dapat at dapat at mga murang pwdeng maging alternatibong pagakain sa araw-araw. Sa mga Manggagawa, kailangan bigyan sila ng sapat at tamang oras sa pagkain. marapat din na mayaman sa protina at carbohydrates upang mas magamit nila ang kanilang enerhiya. 

Sa mga lugar na apektado ng di balanseng pangangatawan dahil sa kakulangan ng nutrisyon lalo na sa mga malalayong rural places o probinsya , dapat pag igihan ang pag tulong sa kanila sa pamamagitan ng pag bibigay ng mga pagkaing kinakailangan at pagkakaroon ng buwanan o taunang mission program na talaga namang magkatutulong sa mga lugar na malayo sa kasarinlan.

Ang pagdyedyeta upang magkaroon ng balanseng nutrisyon ay hindi nakasalalay sa kung anu ba ang ating nakasanayan. Hindi lahat ng tao ay nasanay sa mabuting pamamaraan, kayat ang solusyon ay ang pag dedisisyon ng isang tao sa kung ano ba ang gusto nyang baguhin sa kanyang pamumuhay upang mas matugunan nya ang pagkakaroon ng magandang pangangatawan. Ang pagbabalanse ng katawan ay isang responsibilidad kung saan tayo mismo ang gagawa ng magiging kahihinatnan.

1 comment:

  1. Earn while you enjoy time with your Family & Lovedones!
    For more details, kindly visit http://www.unemployedpinoys.com/

    ReplyDelete